10.6.12

Tears Fought Back

Kakaiba ang pagising ko kanina. Naging malambot ang kama, walang manok na tumitilaok, walang ibong humuhuni, walang tao sa kwarto kundi ako. Noon ko narealize na tapos na nga pala ang bakasyon ko, at nandito na ulit ako sa Cavite.

Hindi ko alam kung magiging maaya ba ako o malungkot, ag alam ko lang balik na naman ako sa dat kong gawi.

Naalala ko tuloy yung naging biyahe ko kahapon. Pigil na pigl yung luha ko, ayokong umiyak. ayokong makita nila kung gaano kasakit sa akin ang umalis. Gusto kong makita nila na masaya ako, dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Pero sa totoo lang, mas gusto ko na doon na lang ako. Kasi kahit gaano kasarap mabuhay na nabibili mo yung gusto mo, wala pa ring tatalo sa pakiramdam na kasama mo yung pamilya mo. Hindi kayang tumbasan ng isang Dark Mocha Frappe Grande ang pakiramdam na inaalagaan ka, kahit samahan mo pa ng isang dosenang Krispy Kreme. Parang tanga akong umiiyak ngayon, kasi mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalungkot ang mag-isa.

Sa totoo lang, mas gusto ko na dun na lang ako. Kahit gaano kapayak ang pamumuhay doon, mas gusto ko pa ring tumira doon. Ang sarap gumising sa umaga na binabati ka ng mga pinsan mo, inaalok kang mag-kape, tinanong kung anong gusto mong almusal, tinanong kung anong gusto mong tanghalian, tinatanong ka kung masaya ka ba.

Sobrang sayang isang buwang bakasyon na yon. Mas narealize ko kung gaano kahalaga ang pamilya. Narealize ko kung gaano ako ka-swerte dahil madaming nagmamahal sa akin doon. Pero, mas narealize ko rin ang lungkot. Kait gaano sila karami, kahit gaano nila ako kamahal, kailangan ko pa rin maging mag-isa dito sa kwarto.

0 (mga) puna:

Post a Comment