10.9.13

Minsan, Hindi Sapat Ang Langit

Ako nga pala si Andrew, at simula ngayon, magiging bahagi ka na ng aking kwento.

Description: http://1.bp.blogspot.com/-QEgW-F5Urm0/Ui59BDbIKlI/AAAAAAAAAIM/AisRbveJncs/s640/DSC_0881.JPG


Simpleng kabataan lang ako, pero hindi maitatangi ang aking angking kagwapuhan. maganda naman kasi ang aking ina, at ang aking ama naman, photogenic, hindi ko naman kasi sya nakita sa personal. Siguro mga 5'11 ng height ko at maganda naman ang katawan, kahit hindi ako ng gigym. Bata pa alng ako, pangarap na ni Nanay na magartista ko, pero hindi yun ang hilig ko. |Mahilig ako magsulat at kumanta, pero ayoko talaga mag artista. Hindi din kami mayaman, siguro, sapat lang para mabuhay kaming dalawa ni nanay, ang lola ko, at ang pinsan ko. Ako ang nagtataguyod samin bilang isang...

"Hoy Andong! Bumaba ka na ng diyan at malalate na tayo, pogi ka na wag ka ng magpapogi pa!" Umalingawngaw ang boses ni Nanay sa bahay. Medyo may kaliitan lang naman kasi ang bahay naming. Dalawang palapag na may dalawang kwarto. Kaya naman rinig na rinig mo ang sigaw ni Nanay. O talagang maingay lang si Nanay.

"Sige po Nay bababa na po!"

Aalis kami ni nanay ngayon, makikipag kita kami sa isang mayamang kostumer. Sa may malaking mall daw kami magkikita, medyo kinakabahan ako, kahit maraming beses ko na to nagawa, parang iba pa rin sa pakiramdam..

"Natapos ka din! lakad ka na sa labas, magabang ka na ng sidecar dyan. O ikaw Oteng, bantayan mo muna si Nanang dito ha, mamaya ka na maglaro, mga hapon baka umuwi na ko"

Sunod-sunod ang bilin ni Nanay kay Oteng na pinsan ko. Iniwan siya ng kapatid ni Nanay na Japayuki, hindi na binalikan. Kaya naman samin na siya lumaki. Matalinong bata si Oteng, medyo may pagka-tomboy lang.

"Opo Tyang…pasalubong ko  ha"

"Minda, ibili mo ko ng gamot sa ubo ha, pati yung binibili mong donut"

Kahit na uubo-ubo, hindi pa rin matigil sa kakasalita tong ni Nanang. Hindi siya ang nanay ni Nanay, pero siya ang nagpalaki sa Nanay ko. Malayong pinsan siya ng totoo kong Lola. Hindi ko na tinatanong si Nanay kung bakit si Nanang ang nagpalaki sa kanya. Mukhang ayaw niya rin naming ikwento eh.

"Kayong dalawa naman, wala pa nga kaming kinikita ni Andong eh kung ano ano na agad ang hinihingi nyo. Hosha, bahala na. Aalis na kami ha, magiingat kayo"

"Nay! nandito na yung sidecar! "
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hey. My name is Anne, Anne Smith to be exact, I’ve never been good at writing, or at anything other screwing things up, but anyways, I have to tell you this story.

I’m beautiful, sexy, smart, rich as hell, but I’m not happy. Yeah many will ask how come I’m still lonely with what I have…you’ll find out. Anyway, my Dad is a businessman but he’s based in the States so, I never get to see him often, like I care, and Mom is in politics, she’s our town’s mayor so I never get to see her a lot too, couldn’t care less either.  I’ve always wanted to be a photographer, it’s always been my passion but I don’t think I can pursue it, and it’s very sad. So now, I’m your typical rich party whore, I mean girl. I go to a lot of party and today, I have a party to attend I just need to meet my date, and were off. So I’m gonna get going, the mall is pretty far, don’t wanna make that bad impression.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano kayang hitsura non Nay, bat kasi hindi a humingi ng picture, o kahit man lang Facebook account, baka mamaya dang panget nyan"

" Tumigil ka nga  Andong! Napaka-arte mo, pumapatol ka nga sa amoy lupang matrona magrereklamo ka pa"

"Wag  mo naman laksan boses mo Nay, nakakahiya…"

" Bat ka mahihiya, yan ang bumubuhay satin eh, may magagawa ba yang hiya mo? Magkakabigas ba tayo sa hiya mo? Tumigil ka na"

 Oo, isa akong callboy, guy for hire, masakit man pero isa akong prostitute. Kala ko dati pang babaeng trabaho lang yon, hindi ko inaakalang mapapadpad ako sa ganong trabaho, Wala na rin naman akong magagawa eh, tama si Nanay, ito ang kinabubuhay namen, minsa nga iniisip ko, na kaya ako ginawang pogi na Diyos eh para sa ganitong trabaho.

To be continued.....


2 comments:

  1. hmmm...so magiging sila ba sa ending? o pareho lang silang nangangarap/nagpapanggap? hehe...

    salamat nga pala sa pagdalaw sa lungga ko, at ty din sa pag-add sa blogroll mo, bukas na lang kita add ha, groge na sa antok eh...zzzz! hehe...thanks! :)

    ReplyDelete
  2. Hindi ko pa alam. Baka maging tragedy tong story na to. HAHAHA Welcome and salamat :)

    ReplyDelete